Sunday, August 26, 2007

Prop

Kamay mo’y puno na ng kalyo
Buhok mo’y puting – puti na
Mga kuto mo’y nagsipagtandaan na
Dating dal’wang mata, ngayo’y apat na
Ngunit ika’y di pa rin suko sa pagtuturo

Maraming panahon na ang lumipas
Maraming magandang pagkakataon na ang pinalagpas
Maraming inumpisahan na ngayo’y nagwakas
Marami nang pinagdaanang siphayo
Ngunit ika’y di pa rin suko sa pagtuturo

Ilang ulit ka na nga bang nabigo?
Ilang ulit na bang napag-iwanan ng kalendaryo?
Di lang iisa, di lang makasampung beses
Taghoy ng damdamin ay wala ng boses
Ngunit ika’y di pa rin suko sa pagtuturo

Ah…Prop napakadakila mo!
Ng dahil sa tawag ng tungkulin,
Sariling kaligayaha’y hindi tinimo
Ang pagtuturo sa iyo’y isang bokasyon
Hubugin ang mga kabataan, at wag sumuko sa pagtuturo!

No comments:

Search The Web

Google